Wednesday, August 22, 2007

Addie's Dinner




Iniwan ko po sandali ang magaling kong anak para kunin ang pinatutuyong labada (tsokey, Andres na kung Andres) sa likuran ng aming bahay. Dahil boploks ang ama, naiwan po ang isang babasahin sa tabi ng baby. Medyo gutom at dahil hindi pa masyadong marunong magbasa ang aking anak kaya eto po ang naging resulta. Mukhang nasarapan naman. Tinanong ko kung anong letra ang paborito niya, hindi naman kumibo. hehe. Silipin na lang namin bukas yung diaper niya. Abangan...











No comments: